Sistemang SABLAY

PERPEKTONG SISTEMA, meron ba nito? O di pa nadidiskobrehan kahit na siyentipiko? Bilang studyante ng isang private school di ko matantsa kung paano gawin ang sistemang pinapatakbo nila. Nakaranas na rin naman akong mag-aral sa isang pampublikong paaralan, pareho lang naman. Sa tingin lang naman ng ibang tao nagkaiba, dahil sasabihin nilang yung mga nakapag-aral sa mga private school e mayayaman. Di rin. At yung mga nag-aaral sa pampublikong paaralan e yung medyo alam niyo na. Pero di rin! Pare-pareho! Alam niyo kung bakit? DAHIL PAREHO SILA SA MGA SABLAY NA SISTEMA. Gusto mong mabago nga lang estudyante pa ko, di nila papakinggan mga suggestions ko. Kakahina. May nalalaman pang event para sa team-building e mismong mga officers umaasa pa din sa mga kagustuhan ng mga maestra. Huh? Di ko maintindihan. Kahit saan magpunta puro sablay lahat ng sistema. Di ko alam kong sino ang mga kawawa sa ganitong nangyayari? Yung mga namumuno ba na gumagawa ng sistema at patakaran pero wala namang magandang naidudulot o mga ordinaryong tao na gagawin lahat kasi yun yung sistema? Ah alam ko na kung sino.. KAMI.. KAMI na walang magawa kundi sundin lahat ng sistema kasi sila ang nakakataas. Di pwedeng umangal kasi di magandang tingan, nakakasuka!

Pressure..

Paano kung hanggang dito lang ang kaya ko? Paano kung di na kaya ng utak at ng kakayahan ko lahat ng gusto nila? Paano kung pinipilit ko nalang pala lahat dahil yun ang gusto nila para saakin? Hihinto na ba ako o iituloy ko parin dahil alam kung yun ang gusto nila kahit di na ko masaya?

Magulo! Naguguluhan ako! Hindi ako galit sakanila, galit ako sa sarili ko kasi alam kong hanggang dito lang talaga ang kaya ko. Alam kong para naman yun sa ikabubuti ko pero nahihirapan ako, masakit sa utak, hirap na mag-function lahat ng mga bagay-bagay sa utak ko.

Walang masama sa gusto nila, alam ko yun. Pero yung salitang PRESSURE yun eh!

Pressure kasi nakukumpara ako sa ate ko. Pressure kasi hanggang dito lang kaya ko. Pressure kasi maraming umaasa. Pressure kasi mahirap ang buhay. PRESSURE LAHAT! Paano na ba ‘to? Hindi na ko natutuwa. Hindi ko na alam kong paano ‘to i-handle.

Hindi porket kinukumpara ako sa ate ko galit ako sakanya. Mahal ko siya, iniidolo ko siya sa angkin niya galing at talino. Ang dami niya ng naabot kaya saludo ako sakanya. At alam ko sa sarili ko hindi darating sa punto na magagalit ako sakanya at isisisi sakanya ang lahat ng panlalait na natatanggap ko sa mga taong nakakakilala sa mga pangalan namin! Isa sa mga taong nagmo-motivate sakin. Sabihin nating isa siya nagbibigay ng pressure sa buhay ko. Ito gusto niya, ito dapat gawin ko! Ito gusto niyang makuhang grades ko, pero iba ang nabigay ko. Di niya nagustuhan, ang pangit ng naging reaction niya. Kawawa na naman ako!😦 Pressure naman ulit.

Nandun yung punto na masaya ako kasi may pakialam siya sakin. Gusto niya na hindi ako maiwanan ng panahon at parang wala akong alam sa realidad. Ang dami kong natututunan sakanya, pero yung iba isinasantabi ko muna, mahirap pang gawin eh! Maybe next time, sister.Β πŸ˜‚πŸ˜‚ PERO, ang laking pressure yung nabibigay niya sakin. Kasi alam kong mahihirapan ako kasi alam kong hindi ko ‘to field, hindi ko hilig. Nakakadissapoint! Nakakaloka! Nakakabaliw! Saan ako pupunta?

Sigeee. Ayaw ko na mag-isip para dito pressure na naman eh!Β πŸ˜‚β˜ΊοΈπŸ˜’πŸ˜ͺπŸ˜₯

Mga Kabataan Ngayon..

Β 

Β 

teeen1

Hindi ko lubos maisip kung bakit ang karamihan sa atin ngayon ay sangkot sa bigong pag-ibig. Mga kabataan na maagang nabubuntis dahil sa pag-ibig, mga nagpapakamatay dahil sa pag-ibig at mga magulang na uhaw sa pagmamahal na hindi na nabibigay ng kanilang mga supling.

Karamihan sa ating mga kabataan ngayon o kahit na mga minurde-edad pa lamang ay nakaka-ilang kasintahan na. Hindi na rin uso ang ligaw-harana, o ang pag-iigib ng tubig, pag sibak ng kahoy o kahit ano pang gawain sa bahay. Sa ngayong henerasyon karamihan pa sa mga babae ay sila pa ang unang nagbibigay ng motibo sa mga kalalakihan upang iparating sa kanila ang natatanging damdamin.

Ang mga suot na kulang nalang ay kita na ang kaluluwa. Nasaan na ang pagiging mahinhin ng mga kababaihan ngayon? Natabunan na nga ang dating kultura dito sa Pilipinas. Maari pa ba itong ibalik?

Kung tungkol naman sa mga kabataan ngayong henerasyon na mga maaagang nabubtis ang iba sinisisi pa ang mga kanilang mga magulang. Bakit nanay at tatay mo ba ang nagtalik at ikaw ang nabuntis? Dyahe naman kong ganun diba?

Kagustuhan mo ang lahat ng nangyari. Naiisip mo kaya ang magulang mo nung sa mga oras na kayo ay nagtatalik? Diba hindi? nagpakasarap ka sa mga oras na yun. Hindi sapat na rason ang dahilang mahal na mahal niyo ang isa-t isa. Siguro bang kayo ang magkakatuluyan? Masyado pang maaga upang magmadali at subukan ang mga sagradong gawain.

Marahirap sa isang Ina at Ama ang malaman ang naging sitwasyon o pangyayari sa kanilang anak. Gustuhin man nilang ibalik kong saan nagsimula ang lahat ngunit wala na silang magagawa.

Kahit balik-baliktarin man ang mundo tatanggapin at mamahalin ka pa rin ng iyong magulang.

Muling Pagtatagpo..

Sa hindi inaasahang pagkakataon, sa di inaasahang okasyon, at sa di inaasahang maramdaman.

Lamig, pawis at kaba ang naramdaman ko sa muli naming pagkikita. Tanong sa isip at puso kong may nararamdaman pa rin ba siya para saakin. Nasaan ang ngiting dati mong binibigay? Totoo ba yan o sadyang kailangan mo lang gawin dahil alam mong dapat.

Mga kaibigang binabalik-balik ang nakaraan, tawanan nalang kahit masakit na. Masakit dahil alam mong hindi na pwedeng mangyari ulit at masakit dahil parang wala na ‘tong halaga sakanya. Bakit pa kailangan pa tayong pagtagpuin kong ganito lang naman ang pwedeng mangyari at maramdaman.😦

Ngiting may limitasyon, asaran at tinginan na may limitasyon.. Na dati pwedeng mong maramdaman sakanya kahit anong oras. Sobrang sakit..😦

Mahal pa rin PALA talaga kita.😦

AmiraHade..

Stress Overload!

Image

HINDI KO NA ALAM GAGAWIN KO!

Mahirap yung sabay-sabay lahat ng gawain. Yung utos dito, utos doon. Wala kang magagawa kundi sundin lahat ng utos, hindi ka pwedeng magreklamo, bawal ka sumagot! Stress ang abot. Ni hindi mo na magawang mag-ayos sa sobrang dami ng ginagawa at lahat importante.Β 

WALA NA AKO SA KATINUAN, LAHAT NA NG GINAGAWA KO PURO NA MALI.Β 

Konting intindi naman sakin Boss, hindi naman ako Robot na agad-agad matatapos ko pinapagawa niyo!